PATULOY SA PAGLILINGKOD, PATULOY ANG KAHUSAYAN!🇵🇭✨





Isang karangalan at malaking tagumpay para sa Bayan ng Agoncillo ang patuloy na pagkilala sa ating mga pagsisikap sa larangan ng kahandaan at pagtugon sa mga sakuna.

Kahapon, buong dangal na tinanggap ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating masipag na MDRRMO Head, Sir Junfrance De Villa, ang isang plaque of recognition mula sa Office of Civil Defense at Regional DRRM Council.

Ang nasabing parangal ay isang patunay ng ating sama-samang dedikasyon, sakripisyo, at natatanging tagumpay bilang isang validated Local Government Unit sa gitna ng patuloy na hamon ng mga kalamidad na kinakaharap ng ating bansa. 

Nakasaad sa plaque ang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa ating serbisyo, matibay na panata, at kahusayan sa disaster risk reduction and management. Ang pagkilalang ito ay ipinagkaloob kahapon, ika-27 ng Enero 2026 sa ginanap na pagtitipon sa Monte Vista Hotsprings and Conference Resorts, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna.

Sa pamumuno ng ating Punong Bayan at sa walang sawang pagsusumikap ng MDRRMO Agoncillo, patuloy nating pinagtitibay ang isang pamayanang handa, ligtas, at matatag sa anumang pagsubok.

Maraming salamat sa bawat isa na patuloy na nakikiisa sa adhikaing ito. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong Agoncillo!

Mabuhay ang MDRRMO Agoncillo! 

Mabuhay ang Bayan ng Agoncillo!

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments