Malugod po naming ibinabalita sa inyo na sa darating na ika-29 at ika-30 ng Enero, 2026 araw ng Huwebes at Biyernes ay muling magkakaroon ng PhilSys Registration and Verification sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ito po ay handog ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil at ng ating Pamahalaang Lokal sa Pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes katuwang ang tanggapan ng Philippine Statistics Authority-Batangas.
Para po sa mga katanungan at paglilinaw ay maaring mag mensahe sa opisyal na facebook page ng kanilang tanggapan at maaari din po kayong magtungo sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa Ground Floor ng ating J. Mendoza Municipal Building.
Maraming Salamat po!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments