Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay na pagkakaisa, maayos na representasyon, at mas episyenteng paglilingkod ang isinagawang panunumpa at pakikipagpulong ng Agoncillo LGU Employees Association (ALEA) sa ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ngayong araw.
Ang okasyong ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at sa iisang layuning mapanatili ang mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Sa pamamagitan ng ALEA, mas lalong napagtitibay ang tinig ng mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, ito ay isang organisasyong nagsisilbing tulay ng komunikasyon, pagkakaisa, at malasakit sa pagitan ng pamunuan at ng mga kawani. Ang kanilang panunumpa ay hindi lamang pagtanggap ng tungkulin, kundi isang panata ng tapat, responsable, at makataong paglilingkod para sa ikabubuti ng bawat empleyado at ng sambayanan.
Lubos nating ipinapakilala ang mga nahalal na opisyal ng Agoncillo LGU Employees Association (ALEA):
President: Donato Martinez
Vice President: Charlyn Dela Luna
Secretary: Patty Ocampo
Treasurer: Roberto Catam Jr.
Auditor: Krissel Caringal
Public Information Officer : Christian Dave Luya
Public Relations Officer :Junfrance De Villa
Board of Directors:
Orestes Jayson Mendoza
Shaira May Sanggalang
Victorina Cabrera
Herlyn Gener
Lorie Digna Garcia
Ang mga pinunong ito ay magsisilbing kabalikat ng mga empleyado at ng mamamayan sa pagpapatuloy ng ating panatang Magandang Serbisyo Publiko.
Sa patnubay ng ating Punong Bayan at sa sama-samang pagkilos ng ALEA, patuloy nating isusulong ang isang pamahalaang tumutugon sa pangangailangan ng empleyado at naglilingkod nang may dangal at malasakit sa bawat Agoncillian!
Mabuhay ang ALEA!
Mabuhay ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments