Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, Batangas ay buong-pusong nakikiisa sa buong bansa sa paggunita ng Ika-30 National Autism Consciousness Week, na may temang “Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines,” na ginaganap mula Enero 19 hanggang 25, 2026.
Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na ang kamalayan ay hindi nagtatapos sa pag-unawa lamang, kundi dapat itong maisalin sa kongkretong aksyon o mga hakbang na nagtataguyod ng pagtanggap, paggalang, at inklusibong mga programa para sa mga indibidwal na nasa Autism Spectrum Disorder (ASD).
Bilang isang pamahalaang lokal, kinikilala natin ang natatanging kakayahan, potensyal, talento, at dignidad ng bawat indibidwal. Layunin nating lumikha ng isang pamayanan kung saan ang mga taong may autism ay may pantay na oportunidad na matuto, magpahayag, at makibahagi sa kaunlaran ng lipunan na walang diskriminasyon at may buong suporta mula sa komunidad.
Dahil dine sa Magandang Agoncillo, panata natin ang isang komunidad na Inklusibo.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments