GROUNDBREAKING CEREMONY NG ISA SA MGA DISTRICT HOSPITAL NG LALAVIGAN NG BATANGAS, PINANGUNAHAN NI GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO KASAMA ANG MGA PUNONG BAYAN NG IKATLONG DISTRITO. 🇵🇭✨




Isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay at mas inklusibong serbisyong pangkalusugan ang isinagawa sa pamamagitan ng Groundbreaking Ceremony ng isa sa mga District Hospital ng Lalawigan ng Batangas, na pinangunahan ng Kagalang-galang na Gobernador Vilma Santos-Recto, kasama ang mga Punong Bayan ng Ikatlong Distrito.

Ang nasabing proyektong ito ay ang itatayong limang (5) palapag na District Hospital sa Sta. Teresita, Batangas. Ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan na mapalapit, mapabuti, at mapalawak ang dekalidad na serbisyong medikal para sa bawat Batangueño. 

Buong pagmamalaking nakiisa ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa makasaysayang okasyong ito bilang tanda ng kanyang patuloy na suporta sa mga programang naglalayong paunlarin ang serbisyong panlipunan at pangkalusugan sa ating lalawigan. 

Ang kanyang pakikiisa ay nagpapakita ng matibay na paninindigan na ang kalusugan ng mamamayan ay isang pangunahing prayoridad at responsibilidad ng bawat lingkod-bayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at mga Lokal na Pamahalaan, inaasahan na ang proyektong ito ay magiging daan sa mas maagap, episyente, at makataong serbisyong medikal para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Sa programang ito, Tayo ang Panalo!

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments