Ipinagbubunyi ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang pambihirang tagumpay ng ating mga kababayang atleta na sina Justine John Rosales, Mark Joseph Sarmiento, at Francis Generoso, mga tunay na Agoncillian na nag-uwi ng Gintong Medalya sa prestihiyosong SEA Games 2025 na ginanap sa Thailand.
Ang kanilang dedikasyon, sipag, at walang patid na pagsusumikap ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kabataang Agoncillian, kundi maging sa buong sambayanan. Sa bawat laban na inyong hinarap, dala ninyo ang pangalan ng ating bayan at sa bawat tagumpay na inyong nakamit, higit ninyong pinatunayang may malaking maiaambag ang mga Agoncillian sa larangan ng palakasan sa ating bansa at buong mundo.
Lubos na ipinagmamalaki kayo ng Bayan ng Agoncillo sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Patunay ang inyong tagumpay na kapag pinagbuklod ng tapang, disiplina, at malasakit sa bayan, walang imposibleng mararating ang isang Agoncillian.
Mabuhay ang ating mga kampeon!
Mabuhay ang Bayan ng Agoncillo! 🇵🇭
#IkawAngBida
#BidangAgoncillian
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments