Isinagawa ang pagrerenew ng kasunduan ng ating mga Job Order Employees sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na pinangunahan ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang Tanggapan ng Human Resource Management Office sa pamumuno ni Ma'am Angelica Anne Leonor na ginanap sa G. Brotonel Events Center.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Cindy na napakahalaga ng papel ng mga Job Order Employees sa pagpapatakbo ng ating Lokal na Pamahalaan. Ayon sa kanya, kung wala ang kanilang sipag at dedikasyon, “mapipilay ang LGU at hindi natin maipapakita nang buong husay ang Mas Magandang Serbisyo Publiko.”
Kasabay nito ay ang pagbibigay niya ng taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng ating Job Order Employees.
#PaglilingkodNgTapatSaDiyosatsaBayan
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments