Sa pagtatapos ng taong 2025, buong puso nating ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan ng Agoncillo na naging katuwang sa paghubog ng ating mas matatag, mas maunlad, at higit na nagkakaisang pamayanan.
Sa kabila ng mga pagsubok at suliraning ating hinarap, nanatili tayong nakatindig na may tapang, pagtutulungan, at tunay na malasakit sa kapwa. Bawat tagumpay na ating nakamit ay patunay na kapag sama-sama, walang hamon na hindi natin kayang lagpasan.
Ngayon, buong tiwala nating haharapin ang taong 2026, handa upang ipagpatuloy ang mga repormang nagsusulong ng kaayusan, kaunlaran, at tapat na paglilingkod.
Panata natin ang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko, ito ay isang pangakong magsisilbing gabay sa bawat programa, proyekto, at serbisyong iniaalay para sa kapakanan ng bawat Agoncillians.
Nawa’y manatiling buhay ang diwa ng pagkakaisa at pag-asa habang sabay-sabay nating tinatahak ang panibagong yugto ng kaunlaran para sa ating minamahal na bayan.
Matapat, Mahusay at Maayos na Bagong Taon, Agoncillo ✨
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments