Ngayong Disyembre 19, 2025, matagumpay na isinagawa ang Turnover at Blessing Ceremony ng mga housing units para sa Agoncillo Bayanihan GK Community, isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkakaroon ng disenteng tahanan para sa ating mga kababayang nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Kristine.

Sa unang yugto ng proyekto, 22 housing units ang opisyal na itinurn over ng Gawad Kalinga, at inaasahan pang madaragdagan ang bilang na ito sa unang bahagi ng 2026. Sa inisyatibo ng Gawad Kalinga, mahigit 60 pamilya ang inaasahang magiging benepisyaryo ng housing project na ito, matapos ang masusing screening na isinagawa ng Gawad Kalinga katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Pinangunahan ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Municipal Administrator EnP Noel Mendoza ang programa. Dumalo din si Ronin Leviste, bilang kinatawan ni dating Vice Governor Mark Leviste, na nag-sponsor ng dalawang housing units na kabilang sa mga naiturn over. Ang 20 housing units ay sponsored naman ni Mr. James Chan. 
Nakiisa rin ang mga opisyal ng Gawad Kalinga sa pangunguna nina Mark Gomez at Vangie Sesma, gayundin si dating Provincial Administrator at Agoncillo Bayanihan GK Community visionary, Mr. Wilfredo Racelis.
Ang pagbabasbas sa mga tahanan ay pinangunahan ni Fr. Randy Sudario.
Sa pamamagitan ng bayanihan at pagkakaisa, nagiging posible ang pangarap na tahanan para sa bawat pamilyang Agoncillan.

Post a Comment

0 Comments