MAGANDANG AGONCILLO, NAGBIGAY TINGKAD SA ALA EH PROVINCIAL TRADE FAIR 2025 SA BATANGAS CITY πŸ‡΅πŸ‡­✨






Isang mainit at buong pusong paanyaya ang ipinapaabot ng Bayan ng Magandang Agoncillo sa lahat ng Agoncillians at kapwa BatangueΓ±o upang suportahan at bisitahin ang opisyal na Booth ng ating bayan sa isinasagawang Ala Eh 2025 Provincial Trade Fair.

Sa taong ito, tampok ang isang disenyo na hango sa luma ngunit makulay na Galyon na naglalayag sa payapang tubig ng Ilog Pansipit, isang makasaysayang imahe na sumasalamin sa mayamang kultura, kasaysayan, at katangian ng ating minamahal na bayan. Ang galyong ito ay simbolo ng masiglang kalakalan, masipag na pamumuhay, at matatag na diwang Tagalog na patuloy na pinangangalagaan ng Agoncillo hanggang sa kasalukuyan.

Bilang pagpapakita ng likas na yaman, kahusayan, at pagkamalikhain ng ating mga kababayan, tampok sa ating booth ang mga produktong tunay na "Tatak Agoncillo", kabilang ang, Tawilis Sardines, Lemon Grass Tea, Tableya, Itlog na Pula, Lesty's Pastillas, Sheka Timpladong Suka, Atsarang Ubod, Marikit Hair Accessories, Tatay Jeffs Alamang, Chili Garlic Oil at mga fresh na prutas gaya ng saging, cacao at Ube ng Punzalan Farm,

Sa pagbisita ninyo sa ating booth, hindi lamang mga produkto ang inyong matutuklasan kundi ang kuwento, galing, at pusong bumabalot sa bawat gawaing Agoncillians.

Ang inyong presensya at suporta ay hindi lamang magpapalakas sa ating mga lokal na negosyante, kundi magsisilbi ring patunay ng pagkakaisa at pagmamalaki natin sa ating bayan.

Inaanyayahan namin kayong makisama, makiisa, at makipagdiwang sa tagumpay at pag-unlad ng Bayan ng Magandang Agoncillo. 

Sama-sama nating itaguyod ang ating kultura, produkto, at pagkakakilanlan bilang isang bayan na mayaman sa tradisyon at likas na galing.

Magkita-kita po tayo sa Ala Eh! 2025 Provincial Trade Fair.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments