MS. CRIZZANE KATIGBAK, ITINANGHAL NA TOP 3 MOST PROMPT MUNICIPAL TREASURER AT TOP 3 TOP COLLECTING OFFICER (2nd to 4th Class Municipality Category, Province of Batangas) 🇵🇭✨
Isang mataas na pagpupugay at taus-pusong pasasalamat ang iginagawad ng Bayan ng Agoncillo kay Ms. Crizzane Katigbak sa pagkamit ng dalawang prestihiyosong parangal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang walang humpay na dedikasyon, marangal na paglilingkod, at matatag na paninindigan para sa integridad at kahusayan sa pamamahala ng pananalapi ng ating bayan.
Sa likod ng bawat ulat, bawat pagsusuri, at bawat serbisyong ginagampanan ng ating Municipal Treasurer’s Office ay ang walang sawang pagsusumikap hindi lamang ni Treas Tin, kundi maging ng buong tanggapan na kanyang pinangungunahan.
Tunay na maipagmamalaki ang kanilang panata sa mahusay, tapat, at responsableng paglilingkod, isang serbisyo na may malasakit sa bawat Agoncillian.
Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay buong pusong nagpaparating ng pasasalamat at paghanga sa Office of the Municipal Treasurer sa patuloy na pagtataguyod ng mataas na pamantayan ng propesyunalismo at pagiging katuwang sa pagpapaunlad ng ating komunidad.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang higit pang pag-ibayuhin ang ating sama-samang pagsusumikap tungo sa isang mas maunlad, disiplinado, at mas progresibong Agoncillo.
Mabuhay ka, Treas Tin!
Mabuhay ang mga kawani ng Office of the Municipal Treasurer at mabuhay ang buong Bayan ng Agoncillo! ❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments