Sa gabing ito ng pag-asa, kasiyahan, at pagbibigayan, ating saksihan ang isang makabuluhang sandali dahil si Santa Cinderella ay pababa na ng kanyang sleigh upang maghatid ng mga regalo, ngiti, at saya sa ating mga munting kababayan.
Bahagi ng ating pagdiriwang ang Gift Giving na isasagawa mamaya sa ating Pailaw, bilang simbolo ng malasakit at pagmamahal para sa mga bata ng ating komunidad.
Sa pangunguna ng ating minamahal at mapagkalingang Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, patuloy nating ipinapakita na ang Pasko ay hindi lamang nasusukat sa mga palamuti at ilaw, kundi sa taos-pusong pagbibigay at pagdamay sa isa’t isa.
Nawa’y ang simpleng handog ngayong gabi ay magsilbing alaala ng pag-asa at kagalakan sa puso ng bawat bata at bawat pamilya. Sama-sama nating ipagdiwang ang Kapaskuhan na may liwanag, pagmamahal, at malasakit para sa buong bayan. Isang mapagpala at masayang Pasko sa ating lahat. 🎄✨
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments