GINTO PARA SA BAYAN: MGA ATLETANG NAG-UWI NG GINTO MULA SA SEA GAMES 2025, KINILALA NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨




 

Isang napakalaking karangalan at karangyaan para sa bayan ng Agoncillo ang tagumpay na nakamit ng ating mga atletang Pilipino sa ginanap na SEA Games 2025 sa Thailand, partikular sa larangan ng softball, kung saan matagumpay na naiuwi ng koponan ng RP Blu Boys ang Gintong Medalya matapos ang isang makasaysayang laban na nagpakita ng husay, disiplina, at di-matatawarang determinasyon.

Lubos na ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo sina Justine John Rosales, Mark Joseph Sarmiento, at Francis Generoso, mga tunay na anak ng ating bayan na buong tapang na nagbitbit ng bandila ng Pilipinas at nag-angat ng pangalan ng Agoncillo sa pandaigdigang entablado ng palakasan. 

Ang kanilang tagumpay ay patunay na ang sipag, tiyaga, at malasakit sa bayan ay nagbubunga ng tagumpay na hindi lamang pansarili, kundi para sa buong sambayanan.

Ang pagkamit ng gintong medalya ay hindi lamang simbolo ng panalo sa laro, kundi sagisag din ng inspirasyon sa kabataang Agoncillians na mangarap, magsikap, at maniwala sa sariling kakayahan. 

Ang inyong dedikasyon at sakripisyo ay nagsisilbing liwanag at pag-asa na ang Agoncillo ay patuloy na makalilikha ng mga atletang may dangal at kahusayan.

Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kami ay taos-pusong bumabati at nagpapasalamat sa inyong ipinakitang galing at pagmamahal sa bayan. 

 Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong bayan.

Mabuhay ang ating mga kampeon! 

Mabuhay ang Agoncillo! 

Mabuhay ang Atletang Pilipino!

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments