“Basta sama-sama, may pagkakaisa at maayos na pagsusunuran, walang hindi kakayanin. Hindi lamang sa pagresponde ang ating pagpapakadalubsa, ngunit mas higit ay sa kahandaan at ang ating ultimate goal ay ang mas lalong pagiging resilient.” Iyan ang tinuran ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, nang magsalita siya sa gitna ng pagsasanay.
Kasalukuyang isinasagawa ang 3-day formulation of contingency plan for Taal Volcano Eruption training para sa mga barangay ng Agoncillo.
Ang nasabing training ay nagsimula kahapon, ika-3 ng Disyembre 2025, sa Club Balai Isabel, sa Talisay, Batangas.
Dinaluhan ito ng mga Barangay Secretary, at iba pang opisyal ng barangay. Pinangunahan ng ating MDRRMO, Junfrance De Villa.
Ang mga trainors ay galing sa ating PDRRMO.
Pagkatapos nito, inaasahan na bawat barangay ay makakagawa ng kani-kanilang contingency plans para sa mas maayos, mas mabilis at mas epektibong mga pamamaraan ukol sa pagputok ng bulkan.
Magugunita na ang ating bayan ang pinaka-lubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal noong 2020.
0 Comments