Kasama sa pinarangalan si Mayor Cindy Valenton Reyes sa ginanap na 8th KABATANG (Kabataang BatangueΓ±o Tangkilikin) na ginanap sa Batangas Country Club ngayong
araw.
Ang Partners Recognition Rites ay may temang “BEYOND BORDERS: Honoring Shared Purpose Towards Inclusive Education.”
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng Schools Division Office Batangas Province bilang pagkilala sa mga katuwang na institusyon at indibidwal na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programang pang-edukasyon para sa kabataang BatangueΓ±o.
Ang temang “Beyond Borders” ay nagsilbing paalala na ang edukasyon ay hindi lamang nasasaklaw ng apat na sulok ng silid-aralan. Ito ay isang malawak na misyon na nangangailangan ng pakikipagtulungan, mula sa pamahalaan, paaralan, komunidad, hanggang sa mga katuwang mula sa pribadong sektor.
Mabuhay ang SDO Batangas Province, ang mga masisipag na guro, mga magulang, katuwang na institusyon, at higit sa lahat, ang mga kabataang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat programang pang-edukasyon.
Kasama niyo kami sa pagtataguyod ng isang mahusay, matatag at makabagong edukasyon para sa bawat mag-aaral na Agoncillian.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments