UNITED FOR A VAW-FREE PHILIPPINES: LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, NAKIISA SA KICK-OFF NG 18-DAY CAMPAIGN TO END VAW 🧡✨






Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang ating laban para sa isang makatarungan at ligtas na komunidad para sa bawat isa. Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, at ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, nagsimula tayo ng isang makulay at makapangyarihang programa upang ipagdiwang ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Kasama ang mga miyembro ng Municipal Womens Coordinating Council (MWCC) at iba't ibang ahensya, nagtipon tayo upang magsagawa ng isang makulay na parada, na sinundan ng isang masiglang programa at isang Zumba Dance Exercise. 
Ang layunin ng kampanyang ito ay hindi lamang upang magbigay-kaalaman, kundi upang magtulungan tayo bilang isang komunidad sa pagtutok at pagtutulungan upang wakasan ang anumang uri ng karahasan laban sa kababaihan.
Isang paalala ito na ang bawat hakbang, maliit man o malaki, ay may kabuluhan sa pagbuo ng isang lipunang ligtas at walang takot para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga kababaihan. Ang ating pakikilahok at ang patuloy na pagtutulungan ay maghahatid ng mas maliwanag at mas ligtas na bukas.
Bilang suporta din ng Lokal na Pamahalaan, nagsuot ang bawat kawani ng kulay Orange na damit upang ipakita na dine sa Magandang Agoncillo, bawat Babae ay mahalaga! 
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments