SERBISYONG WALANG PINIPILING ORAS:






Lokal na Pamahalaan, Patuloy ang Paghahanda sa Banta at Pananalasa ng Bagyong Uwan 🇵🇭✨
Sa kabila ng dilim ng madaling araw, patuloy na ipinamalas ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang diwa ng serbisyong walang pinipiling oras. Ngayong madaling araw ng ika-9 ng Nobyembre 2025, ganap na ika-12:30 ay isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) bilang bahagi ng maagap na paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Uwan sa ating bayan.
Pinangunahan ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang pagpupulong na ito kasama ang mga kinatawan mula sa MDRRMO, MSWDO, PIO,  RHU,  MEO, BPLO at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP Agoncillo, BFP Agoncillo at PCG Agoncillo.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat barangay, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha. Tiniyak ng bawat tanggapan ang kanilang koordinasyon at kahandaan sa pagtugon sa anumang sitwasyong maaaring idulot ng paparating na bagyo.
Ang pagkilos na ito ay patunay ng tapat na paglilingkod ng ating pamahalaan at ng ating serbisyong handang tumugon anumang oras. 
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, nananatiling matatag at alerto ang bayan ng Agoncillo sa harap ng anumang hamon.
Tunay ngang sa Agoncillo, ang serbisyo publiko ay walang pinipiling oras, lugar, o panahon, sapagkat ang kaligtasan ng bawat Agoncillian ang tunay na prayoridad.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments