PARA SA MAS MAHUSAY NA PAGLILINGKOD: DALAWANG ARAW NA GAD AGENDA FORMULATION, ISINAGAWA NG LOKAL NA PAMAHALAAN🇵🇭✨





Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lokal ng Agoncillo ang Gender and Development (GAD) Agenda Formulation noong Nobyembre 27–28, 2025 sa Graciano Alcantara Session Hall, V. Maligalig Legislative Building. 
Layunin ng gawaing ito na bumuo ng tatlong-taong GAD Agenda na alinsunod sa mandato ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan sa ilalim ng Magna Carta of Women (RA 9710) at mga panuntunan ng Philippine Commission on Women (PCW).
Kabilang sa mga pangunahing kinalabasan ng aktibidad ang pagbalangkas ng LGU GAD Strategic Framework, pagtukoy sa mga suliraning pangkasarian sa iba’t ibang sektor, at pagbuo ng mga paunang layunin, bisyon, at misyon para sa GAD programang pang-LGU. 
Ang masusing pag-aaral at diskusyon ay nagsilbing pundasyon para sa pagpapatibay ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan, kalalakihan, kabataan, at iba pang sektor sa pamayanan.
Dumalo at nakibahagi sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan tulad ng MDRRMO, MPDC, MHO, LCR, DILG, Mayor’s Office, Tourism Office, Treasurer’s Office, Accounting Office, PNP, mga Civil Society Organizations (CSO), MSWDO, Engineering Office, Municipal Agriculturist Office, Sangguniang Bayan, Administrative Office, GSO, HRMO, MENRO, Municipal Budget Office, Assessor’s Office, at mga karagdagang kinatawan mula sa iba pang sektor ng komunidad.
Lubos ang ating pasasalamat kay Sir Peter Filler sa pagbibigay ng kanyang mataas na kaalaman bilang aming kagalang-galang na tagapagsalita, at kay Sir Abet Sandoval para sa kanyang mahalagang suporta na nag-ambag sa tagumpay ng gawaing ito.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments