Isang matagumpay na araw ng pagtutulungan at bayanihan ang isinagawa sa ating munisipyo ng Agoncillo, kung saan ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng Pamahalaang Barangay ng Subic Ibaba sa pamumuno ni Kgg. Rodolfo Reyes katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, Philippine Coast Guard, at Philippine Army ay nagsanib-puwersa upang magsagawa ng Clearing Operations sa iba't ibang bahagi ng bayan.
Ang operasyon ay isang hakbang tungo sa pagpapabuti ng kalinisan, seguridad, at kaayusan sa ating komunidad matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.
Patuloy nating ipagdiwang ang mga ganitong inisyatibo at magtulungan para sa patuloy na pag-unlad ng Agoncillo. Isang malinis, ligtas, at maayos na bayan para sa lahat!
Maraming Salamat po sa inyo!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments