Bilang patunay ng patuloy na pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan sa mga programang naglalayong paigtingin ang mahusay na pamamahala at makabatay sa datos na pagdedesisyon, dumalo ang mga kinatawan ng ating bayan sa isinagawang Community-Based Monitoring System (CBMS) Data Turn Over Ceremony ng Philippine Statistics Authority – Batangas.
Sa pangunguna ng ating kagalang-galang na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valentona-Reyes, kasama sina Engr. Marcelo Mendoza, (MPDC), at Ma'am Angelica Leonor, (HRMO), ipinakita ng ating pamahalaang lokal ang buong suporta sa layunin ng CBMS na makalikom ng tumpak, maaasahan, at napapanahong datos bilang batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
Alam naman natin na ang CBMS ay nagsisilbing mahalagang instrumento sa pagsusulong ng evidence-based governance, kung saan ang bawat desisyon at proyekto ng pamahalaan ay nakabatay sa aktuwal na kalagayan ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan nito, mas mapapalalim ang ating pang-unawa sa kalagayan ng bawat sektor sa ating bayan at mas matitiyak na walang maiiwan sa pag-unlad, dapat Kaisa ang Lahat!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments