DAPAT HANDA | PAGPAPAHANDA NG MGA TAGA-AGONCILLO SA PAPARATING NA BAGYO 🇵🇭✨



Mga kababayan naming taga-Agoncillo, patuloy po tayong pinaaalalahanan na maging alerto at handa sa anumang posibleng pananalasa ng paparating na bagyo. Kasabay ng pag-aanunsyo ng State of National Calamity, nais po naming iparating sa bawat pamilya ang kahalagahan ng maagang paghahanda upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

 IHANDA ANG INYONG MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN❗️

Maghanda ng GO BAG na may lamang pagkain, inumin, flashlight, baterya, first aid kit, gamot, importanteng dokumento, at mga damit.

Siguraduhing fully charged ang inyong mga cellphone, radyo, at powerbank upang patuloy kayong makasubaybay sa mga balita at abiso mula sa ating lokal na pamahalaan.

Kung nakatira sa mga danger zone o mabababang lugar na madalas bahain o malapit sa lawa at bundok, agad na lumikas sa mas ligtas na lugar bago pa man lumakas ang ulan o hangin.

 PAALALA SA LAHAT❗️

Huwag nang hintayin pang lumala ang panahon bago kumilos.

I-secure ang mga gamit sa bahay at alisin ang mga bagay na maaaring tangayin ng hangin o baha.

Makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa LGU at mga kinauukulang ahensya tulad ng PAGASA at NDRRMC.

HUWAG KALIMUTANG MAGDASAL❗️

Sa lahat ng ating paghahanda, ipagkatiwala pa rin natin sa Poong Maykapal ang ating kaligtasan. Sama-sama tayong manalangin na iligtas ang ating bayan sa anumang kapahamakan.

Tandaan, ang kaligtasan ay nagsisimula sa kahandaan. Tayo po ay magtulungan at magmalasakit sa isa’t isa.

Kung may nangangailangan ng tulong o impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa inyong Barangay o sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at PIO.

MARAMING SALAMAT PO AT INGATAN NATIN ANG ISA’T ISA.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments