TINGNAN| PAGBABAHAGI NG KAALAMAN PARA SA ATING KALIGTASAN: GPR SURVEY AND VALIDATION OF GROUND FISSURES IN THE VICINITY OF TAAL VOLCANO🇵🇭✨






Bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri at pagpapaigting ng kahandaan ng mga komunidad sa paligid ng Bulkang Taal, isinagawa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology  ang Ground Penetrating Radar (GPR) Survey and Validation of Ground Fissures sa ilang piling lugar sa Bayan ng Agoncillo.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Sa isinagawang pagsusuri, natukoy ang mga ground fissures o mga bitak sa lupa sa mga sumusunod na barangay: Brgy. Pansipit, Brgy. San Jacinto, at Brgy. Pamiga.
Layunin ng pag-aaral na ito na ma-validate at masusing maunawaan ang kalikasan, lawak, at posibleng epekto ng mga naturang bitak sa lupa, lalo na sa kaligtasan ng mga mamamayan at mga kabahayan na malapit sa apektadong lugar. Ang mga nakalap na datos ay magsisilbing batayan sa pagpaplano ng mga kaukulang hakbang para sa disaster preparedness at risk reduction ng ating bayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments