TINGNAN | KAISA NG LALAWIGAN: MAYOR CINDERELLA-VALENTON REYES, DUMALO SA PAGDIRIWANG NG 100 DAYS SPECIAL REPORT NI GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO 🇵🇭✨








Bilang patunay ng matibay na ugnayan at pagkakaisa ng mga lider sa lalawigan, dumalo si Mayor Cinderella-Valenton Reyes sa idinaos na 100 Days Special Report ni Governor Vilma Santos-Recto, na ginanap ngayong araw  sa Batangas Province Events Center.
Sa naturang programa, ipinamalas ng ating butihing Gobernadora ang mga mahahalagang nagawa at inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa unang isandaang araw ng kanyang panunungkulan, mga proyekto at programang nakatuon sa mabuting pamamahala, serbisyong may malasakit, at patuloy na pag-unlad ng buong Batangas.
Lubos ang pasasalamat at suporta ni Mayor Cindy sa mga adhikain ni Governor Vilma na naglalayong itaguyod ang maayos, tapat, at inklusibong pamahalaan para sa bawat Agoncillian at sa bawat Batangueño. 
Sa kanyang pakikiisa, muling pinagtibay ni Mayor Cindy ang kanyang pangakong makipagtulungan sa mga programa ng lalawigan para sa ikabubuti ng bayan at ng mamamayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments