SERBISYONG WALANG PINIPILING ORAS: MGA KUMUKUHA NG MPOC ENDORSEMENT SUMAILALIM SA AD HOC SCREENING 🇵🇭✨






Kasalukuyan pa ring isinasagawa sa Tanggapan ng ating Punong Bayan ang Ad Hoc Screening para sa mga nagnanais kumuha ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) Endorsement.

Ang aktibidad na ito ay pinangungunahan ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) na si Ginoong Alberto Sandoval, si Konsehala Atty. Tagay Sarah Mendoza, at si PLT Genesis M. Tiongson mula sa PNP Agoncillo.

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, natitiyak na ang bawat aplikante ay may kaukulang kwalipikasyon, kakayahan, at hangaring makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa ating pamayanan.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ay patuloy na naninindigan sa mabuting pamamahala at tapat na serbisyo publiko, sa pangunguna ng ating Punong Bayan na walang sawang gumagabay at sumusuporta sa mga programang naglalayong paigtingin ang kapayapaan at kaayusan sa ating bayan.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments