Unang araw pa lamang ng linggo, ngunit buong sigla at dedikasyon na agad ang ipinapakita ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, sa kanyang walang humpay na paglilingkod para sa mga mamamayan ng Agoncillo.
Mula sa pagdalo sa mga pagpupulong, mga aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan, pagbisita sa mga proyekto, pakikisalamuha sa mga kababayan at partner agencies at pangunguna sa iba’t ibang aktibidad ng pamahalaan, tunay na makikita ang kanyang kasipagan at malasakit na siyang patuloy na nagbibigay-buhay sa diwa ng “Serbisyong Tapat, may Sipag at may Pagmamahal.”
Ang ganitong uri ng pamumuno ay hindi lamang nakikita sa gawa, kundi nararamdaman ng bawat Agoncillian maging mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan.
Maraming salamat, Mayor Cindy, sa inyong walang pagod na serbisyo at sa patuloy ninyong inspirasyon sa lahat ng Agoncillian. Tunay na ang bawat araw ay simula ng panibagong pagkilos para sa ikabubuti ng lahat.
Sabi nga ni Yorme, "Be better versions of ourselves each day!"❤️
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments