Kabayan, Dapat Alam Mo❗️
Mga minamahal naming kababayan,
Ipinababatid po namin sa lahat ng motorista at mamamayan na ang Sitio Sandal na Bato, Subic Ilaya ay pansamantalang isasara dahil sa makapal na putik na bumalot sa naturang kalsada. Ang hakbang na ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga dumaraan.
Kung sakaling mayroong emergency at kinakailangang dumaan, mangyari po lamang na magdoble-ingat at sundin ang lahat ng tagubilin upang maiwasan ang anumang sakuna o hindi inaasahang pangyayari.
Ang inyong kaligtasan ay pangunahing isinasaisip ng ating lokal na pamahalaan. Kaya’t hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang mga nararapat na aksyon upang maisaayos ang kalsada.
Maraming Salamat po!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments