Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang masigasig na Tourism Officer, Ma’am Charlyn Dela Luna, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat, mga kababayan, kaibigan, at bisita, upang makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Tawilis Festival 2025!
Ang Tawilis Festival ay isang taunang selebrasyon ng ating kasaysayan, kultura, at likas na yaman, na nagbibigay-pugay sa natatanging isdang Tawilis, ang tanging freshwater sardine sa buong mundo, at ipinagmamalaking sagisag ng ating bayan.
Halina’t saksihan ang makukulay na parada, mga pagtatanghal, paligsahan, at iba’t ibang aktibidad na magpapakita ng sigla, talento, at pagkakaisa ng mga Agoncillians!
Tara! Tawilis Festival 2025 na!
Sama-sama nating ipagdiwang ang ganda ng Agoncillo, ang tahanan ng nag-iisang Tawilis ng Lawa ng Taal!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#TawilisFestival2025
#HomeOfTheTawilis
0 Comments