Ginanap kahapon, ika-14 ng Oktubre 2025, ang pagpupulong ng mga kasaping miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang talakayin ang mga hakbang at protocols sa pagpapatibay pa ng kahandaan ng lalawigan sa gitna ng mga mga nararanasang sakuna at kalamidad ng bansa.
Tampok sa pagpupulong ang ulat ukol sa Earthquake Hazards na pinangunahan ng PHIVOLCS. Tinalakay rin ang Emergency Preparedness and Response Protocol (OPLAN LISTO) na naglalayong palakasin ang koordinasyon at maagap na pagtugon ng iba’t ibang ahensya sa oras ng sakuna.
Naging bahagi rin sa mga paksang tinalakay ang pagsasagawa ng Provincial Simultaneous Earthquake Drill, kung saan ibinahagi rito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tamang paraan ng pagsasagawa ng earthquake drill bilang parte ng mas malawak na kampanya sa kaligtasan.
Bilang pagpapakita ng pro-active na pag-aksyon ng lalawigan, tinalakay rin sa PDRRMC meeting ang preparedness measures, anticipated needs, at iba pang mahahalagang usapin upang matiyak na handa ang bawat bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas.
#MatatagAtLigtasNaBatangas
#MatatagNaBatangas
#EarthquakePH
#GoVi
0 Comments