AKSYON PARA SA BAYAN: MAYOR REYES AT MGA KAPITAN NG ILANG BARANGAY SA ATING BAYAN, NAKIPAGPULONG SA MGA KINATAWAN NG DPWH PARA SA AKSYUNAN ANG KANILANG MGA PROYEKTO SA AGONCILLO🇵🇭✨
Sa pamumuno ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang mga kapitan ng ilang barangay sa ating bayan, naganap ang isang makabuluhang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng DPWH District III upang bigyang-pansin at tugunan ang mga pangunahing suliranin at proyekto na may direktang epekto sa ating mga mamamayan.
Sa nasabing talakayan, binigyang-diin ang mga hinaing at pangangailangan ng ating mga Barangay Officials, mula sa mga lugar na matagal nang pinoproblema dahil sa mataas na volume ng tubig, hanggang sa mga drainage canal na madalas nagbabara at nagdudulot ng abala sa daloy ng trapiko at kaligtasan ng ating komunidad.
Hindi rin pinalampas ang usapin ukol sa Circumferential Road Project na nasasakop ngga Barangay ng Subic Ibaba, Subic Ilaya, Panhulan, at Sto. Tomas, isang proyektong pansamantalang natigil dahil sa isyu ng contractor nito na isa sa mga tanggapan na inalisan ng lisensya ng PCAB ang YPR General Contractor and Construction Supply Inc.
Sa kabila nito, tiniyak na mayroong dalawang konkretong opsyon upang maituloy ang proyekto: rebidding o termination, isang malinaw na patunay na hindi titigil ang ating pamahalaan sa paghahanap ng solusyon.
Bukod dito, napag-usapan rin ang mga isyu sa Bilibinwang Road, na matagal nang ikinababahala ng mga residente at motorista.
Ang pagpupulong ay hindi lamang simpleng diskusyon, kundi isang seryosong pagpaplano at pagbabalangkas ng malinaw na hakbangin upang masiguro na ang mga proyekto ay magiging kapaki-pakinabang at matibay na pundasyon ng kaunlaran para sa buong bayan.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments