Ipinaaalam po sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Agoncillo na wala pong transaksyon o opisyal na operasyon sa ating Lokal na Pamahalaan sa darating na bukas, ika-24 ng Oktubre 2025, bilang bahagi ng opisyal na pagdiriwang ng Tawilis Festival 2025.
Ang nasabing araw ay nakalaan upang bigyang-daan ang ating mga kawani, mga opisyal, at buong sambayanang Agoncillian na makiisa at makibahagi sa isa sa mga pinakamakabuluhang selebrasyon ng ating bayan, ang Tawilis Festival 2025!
Ang Tawilis Festival ay hindi lamang simpleng pagdiriwang, kundi isang paalala ng kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan, lalo na sa natatanging isdang Tawilis, na tanging sa ating Lawa ng Taal lamang matatagpuan.
Kaugnay nito, malugod po naming kayong inaanyayahan na makiisa sa mga nakahandang aktibidad at programa ng pagdiriwang. Sama-sama nating ipagdiwang ang yaman ng ating kultura, ang likas na ganda ng ating bayan, at ang tibay ng pagkakapit-bisig ng mga mamamayan ng Agoncillo.
TARA NA! TAWILIS FESTIVAL NA✨
Maraming salamat po!
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#tawilisfestival2025
0 Comments