TINGNAN | MAS MATIBAY NA KOMUNIKASYON, MAS LIGTAS NA PAMAYANAN 🇵ðŸ‡✨
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan na mapalakas ang kahandaan at koordinasyon sa panahon ng sakuna, isinagawa ngayong araw ang Radio Communication Training para sa mga Opisyal ng Barangay at Lokal na Pamahalaan sa G. Brotonel Events Center.
Pinangunahan ito ng ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza. Layunin ng naturang pagsasanay na mapaigting ang kahusayan ng ating mga opisyal sa paggamit ng radio communication, isang mahalagang kagamitan sa mabilisang pag-uugnayan sa oras ng aksidente, kalamidad, o iba pang emerhensiya.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, isinusulong ng ating pamahalaan ang pagkakaroon ng mas maayos, mabilis, at organisadong komunikasyon sa bawat barangay. Isa rin itong hakbang tungo sa mas responsableng pamumuno at epektibong serbisyong publiko na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng mga ganitong kapasidad, pagpapaunlad na programa bilang bahagi ng ating pangakong Serbisyong Totoo at Makabuluhan para sa lahat.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments