TINGNAN | KUMUSTAHAN SA PAARALAN: MAKABAGONG PROGRAMA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO π΅π✨
Isa sa mga pinakabagong hakbang at programa ng ating lokal na pamahalaan ay ang "Kumustahan sa Paaralan", isang programa na naglalayong mapalakas ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at bawat paaralan sa ating bayan at tiyakin na ang mga pangangailangan ng ating mga mag-aaral at guro ay patuloy na natutugunan.
Pinangunahan ito ng ating masigasig na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na may layuning mas mapalawak pa ang komunikasyon at kooperasyon ng ating lokal na pamahalaan sa mga paaralan, katuwang ang ating Pangawalang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Agoncillo.
Ginanap ang kauna-unahang kumustahan sa paaralan sa Banyaga National High School kung saan dumalo rin ang ating mga Halal na opisyal sa kanilang Flag Raising Ceremony noong lunes, September 15, 2025.
Sa kanilang pinagsamang pagtutok at dedikasyon, inaasahan natin ang mas malalim na koneksyon ng bawat sektor sa edukasyon, mula sa mga magulang, guro, at mga lokal na opisyal. Ang programang ito ay magbibigay daan upang makilala at marinig ang mga tunay na pangangailangan ng bawat paaralan, at masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng ating mga kabataan sa larangan ng edukasyon at personal na makadaupang palad ng ating mga estudyante ang mga halal na opisyal ng ating minamahal na bayan.
Ang Kumustahan sa Paaralan ay magsisilbing plataporma para sa mga guro, magulang, at lokal na lider upang magkaisa at magtulungan sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Agoncillo.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#SerbisyongCVR
#SB23
0 Comments