TINGNAN | BILANG PAGHAHANDA SA BANTANG DALA NG BAGYONG #OpongPH, PRE-EMPTIVE EVACUATION, ISINAGAWA NA SA BAYAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨





TINGNAN | BILANG PAGHAHANDA SA BANTANG DALA NG BAGYONG #OpongPH, PRE-EMPTIVE EVACUATION, ISINAGAWA NA SA BAYAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨
Isinasagawa na ng ating Lokal na Pamahalaan ang Pre-emptive Evacuation para sa mga residente na naninirahan sa mga lugar na mataas ang panganib sa pagbaha gaya ng Brgy. Panhulan, Bilibinwang, Banyaga, Subic Ibaba at Subic Ilaya.
Pinangungunahan ang gawaing ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Sir Junfrance De Villa, katuwang ang mga masisipag na miyembro ng CDRT, Philippine Coast Guard, mga kinatawan mula sa DepEd Agoncillo Sub-Office, at mga opisyales ng mga barangay na sakop ng mga apektadong lugar. 
Sama-sama silang kumikilos upang masiguro ang maayos, ligtas, at organisadong paglilikas ng ating mga kababayan patungo sa mga itinalagang evacuation centers.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na siyang nangunguna sa pagbibigay prioridad sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Agoncillians, lalo na sa gitna ng banta ng masamang panahon.
Hinihikayat po namin ang lahat ng residente, lalo na yaong naninirahan sa mga lugar na madaling bahain o sa mga barangay na nabanggit, na makipagtulungan at sumunod sa mga panawagan ng ating mga awtoridad. Unahin po natin ang ating kaligtasan at ang seguridad ng ating mga mahal sa buhay.
Manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at huwag mag-atubiling lumapit sa inyong mga barangay officials para sa karagdagang impormasyon at tulong.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
#OpongPH

Post a Comment

0 Comments