TATAK: LIKHA NG LAHI DIGITAL LOGO MAKING CONTEST, IPAGPAPALIBAN MUNA 🇵🇭✨




TATAK: LIKHA NG LAHI DIGITAL LOGO MAKING CONTEST, IPAGPAPALIBAN MUNA 🇵🇭✨

Magandang araw po sa ating lahat!

Nais po naming iparating sa lahat ng nagnanais makibahagi sa TATAK: LIKHA NG LAHI Digital Logo Making Contest na nakatakda sanang ganapin bukas ay pansamantalang ipagpapaliban muna. Ito po ay bunsod ng inaasahang hindi magandang kondisyon ng panahon na maaaring makaapekto sa kaligtasan at kaayusan ng ating mga kalahok.

Matapos ang masusing pagtitimbang at pag-uusap, sa pangunguna ng ating butihing Tourism Officer, Ma’am Charlyn Dela Luna, napagdesisyunan pong ililipat sa araw na may maayos na panahon. Ito po ay ipapabatid kung kailan matutuloy.

Kami po ay taus-pusong humihingi ng pang-unawa sa abalang maidudulot nito at lubos naming pinahahalagahan ang inyong dedikasyon at suporta. Ang pagpapaliban ay upang masiguro na maisasagawa ang programa sa mas ligtas at mas maayos na paraan para sa lahat.

Inaanyayahan pa rin po namin ang bawat isa na makiisa at ipakita ang angking galing, talento, at malikhaing pag-iisip na tunay na “Likha ng Lahi”. 

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang patimpalak na ito upang higit pang maipagmalaki ang ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Agoncillian.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments