SAMA-SAMA TUNGO SA MAS MAGANDANG AGONCILLO: JOINT COUNCIL MEETING NG MDRRMC, MADAC, MPOC, MSWMB, MWQMU




SAMA-SAMA TUNGO SA MAS MAGANDANG AGONCILLO: JOINT COUNCIL MEETING NG MDRRMC, MADAC, MPOC, MSWMB, MWQMU

🇵🇭✨

Kasalukuyang isinasagawa ngayong umaga sa ating G. Brotonel Events Center ang isang mahalagang pagpupulong ng mga pangunahing konseho ng bayan ng Agoncillo, ang MDRRMC (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council), MADAC (Municipal Anti-Drug Abuse Council), MPOC (Municipal Peace and Order Council), MSWMB (Municipal Solid Waste Management Board), at MWQMU (Municipal Water Quality Monitoring Unit) bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng Lokal na Pamahalaan na isulong ang ligtas, maayos, at mas progresibong komunidad para sa bawat Agoncillians.

Pinangungunahan ang pagpupulong ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, DILG MLGOO, Sir Abet Sandoval, mga Punong Barangay, mga Hepe ng Kagawaran, PNP, PCG at mga Kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs).

Layunin ng naturang pagpupulong na pag-isahin ang mga plano, programa, at polisiya ng bawat konseho upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan. Kasalukuyang tinatalakay ang mga kasalukuyang isyu at mga konkretong hakbang na isasagawa upang mas mapalakas ang ugnayan at kolaborasyon ng bawat sektor sa bayan.

Ang pagkakaroon ng ganitong inisyatibo ay patunay ng matibay na paniniwala ng ating pamahalaang lokal na ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ay mahalagang susi sa pag-abot ng pangmatagalang kaunlaran.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maganda, mas ligtas, mas disiplinado, at mas maunlad na Agoncillo.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments