PARA SA BAYAN: Sama-samang Pag-aksyon ng Lokal na Pamahalaan at Iba’t Ibang Ahensya ng Gobyerno Tungo sa Mas Ligtas na Agoncillo 🇵🇭✨




PARA SA BAYAN: Sama-samang Pag-aksyon ng Lokal na Pamahalaan at Iba’t Ibang Ahensya ng Gobyerno Tungo sa Mas Ligtas na Agoncillo 🇵🇭✨

Patuloy ang pagbisita at pagbibigay ng tulong ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa ating mga kababayan sa iba’t ibang Evacuation Centers upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kaginhawaan.

Lubos din ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa agarang tugon at walang sawang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating minamahal na Gobernadora, Vilma Santos-Recto. Tunay na ramdam ng bawat Agoncillian ang malasakit at pagmamahal ng ating probinsya. 

Samantala, halos isang libo (940) nating mga kababayan ang nananatili sa ating mga Evacuation Centers. Katuwang DepEd Agoncillo Sub-Office, sinisiguro natin na maayos silang tumitigil doon.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments