ABISO PUBLIKO | PAGLILINIS SA ATING PAMILIHANG BAYAN, ISASAGAWA BUKAS 🇵ðŸ‡✨
Isang magalang na paalala sa lahat ng mamamayan at suki ng ating palengke. Alinsunod sa layunin ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa ating pamilihan, ipinatutupad ang malawakang paglilinis at disinfection sa buong lugar, lalo na sa bahagi ng Wet Section (Isdaan, Gulayan at Tindahan ng Karne).
Kaugnay nito, ang operasyon ng Wet Section ay pansamantalang hanggang alas-12:00 ng tanghali lamang bukas, Setyembre 10, 2025.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating proaktibong pagtugon upang masigurado ang kalinisan ng kapaligiran, maiwasan ang pagkalat ng anumang uri ng sakit, at mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga mamimili at mga tindero.
Sa pangunguna ni Ma'am Mercy Punzalan, ang Lokal na Pamahalaan po ay humihingi ng inyong pang-unawa at pakikiisa sa isinasagawang hakbangin para sa kapakanan ng nakararami.
Inaasahan din po namin ang inyong kooperasyon sa pag-abiso sa iba pang kababayan upang maiwasan ang abala.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments