ABISO PUBLIKO | Oras ng Serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa darating na Biyernes, ika-12 ng Setyembre 2025.🇵🇭✨




ABISO PUBLIKO | Oras ng Serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa darating na Biyernes, ika-12 ng Setyembre 2025.🇵🇭✨

Sa darating na Biyernes, Ika-12 ng Setyembre 2025, ang mga tanggapan ng ating Lokal na Pamahalaan ay maglilingkod lamang mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng LGU Sportsfest, isang makabuluhang aktibidad na bahagi ng selebrasyon ng 125th Anniversary ng Philippine Civil Service.

Ang nasabing palatuntunan ay isinagawa bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga lingkod-bayan sa patuloy na pag-unlad ng ating pamahalaan at ng buong sambayanan. Isa rin itong paraan upang pagtibayin ang samahan, kalusugan, at kapakanan ng mga empleyado sa sektor ng serbisyo publiko.

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pang-unawa at suporta.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments