TINGAN | PINTA NG PAG-ASA | FREE ART WORKSHOP PARA SA MGA KABATAANG AGONCILLIAN MATUTULOY NA SA LINGGO, AGOSTO 10, 2025



Muling nagababalik ang pinakahihintay ng bawat isang kabataang Agoncillian, Ang ating
FREE ART WORKSHOP hatid ng BAGSIK, sa pakikipagtulungan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ng ating Municipal Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna.
Isasagawa ito dahil naniniwala ang ating Punong Bayan, na ang kabataan ay may kakayahang lumikha, mangarap, at magpahayag ng galing sa sining. Sa halip na puro gadgets kapag weekend, muli niyang bibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan Agoncillian na matuto ng sketching, oil pastel at watercolor painting ng libre!
Gaganapin ito sa ating G. Brotonel Events Center sa ika-10 ng Agosto 2025 sa darating na Linggo!
Mayroon lamang 25 na kalahok na tatanggapin sa bawat kategorya:
ELEMENTARY (9:00 AM-11:00 AM)
HIGH SCHOOL (1:00 PM-4:00 PM)
Ano pang hinihintay niyo mga kababayan, magpatala na sa ating Tourism Officer, Ma'am Charlyn Dela Luna na maaaring tawagan o i-text sa numerong nasa baba.
Maraming salamat po!
0 Comments