PAGBATI AT PAKIKIISA | ARAW NG MGA BAYANI 2025 🇵ðŸ‡✨
Ang buong Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ay nakikiisa sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita at pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Agosto 25, 2025.
Sa araw na ito, ating inaalala at pinaparangalan ang lahat ng bayaning buong pusong nag-alay ng kanilang talino, lakas, at buhay para sa kalayaan at kaunlaran ng ating Inang Bayan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat Agoncillians ang kanilang sakripisyo upang patuloy nating itaguyod ang diwa ng kabayanihan sa ating pang araw-araw na pamumuhay "sa pagiging tapat, masipag, at mapagmahal sa kapwa"
Kasama ng lahat ng sektor ng lipunan, ang ating pamahalaang bayan ay nananatiling nakatuon sa pagtataguyod ng makabagong anyo ng kabayanihan, ang paglilingkod nang may malasakit, integridad, dedikasyon, Tapat sa Diyos at sa Bayan, para sa mas maunlad at mas Magandang Agoncillo.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments