Isang Malaking Pagkilala sa Kapayapaan at Kaligtasan: Pagdalo ni Mayor Cinderella Valenton-Reyes sa Ika-31 National Crime Prevention Week 🇵🇭✨




Isang Malaking Pagkilala sa Kapayapaan at Kaligtasan: Pagdalo ni Mayor Cinderella Valenton-Reyes sa Ika-31 National Crime Prevention Week 🇵🇭✨

Bilang patunay ng kanyang matibay na suporta sa mga inisyatibo para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan, dumalo si Mayor Cinderella Valenton-Reyes sa pagdiriwang ng Ika-31 National Crime Prevention Week (NCPW) na ginanap sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

Ang partisipasyon ng ating mahal na Punong Bayan sa ganitong mga pagtitipon ay isang pagpapakita ng kanyang malasakit at dedikasyon sa pagtataguyod ng isang mapayapa at ligtas na pamayanan lalo na sa Agoncillo.

Kasama rin sa pagtitipon si PMAJ Kenneth Lumbre, Hepe ng Kapulisan ng Agoncillo, na aktibong nakikibahagi sa mga programang naglalayong paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad sa lokal na antas. Ang kanilang pagtutulungan ay isang huwarang halimbawa ng solidong ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng PNP sa pagsulong ng kapakanan ng mamamayan.

Sa patuloy na pagdalo sa mga ganitong makabuluhang aktibidad, pinatutunayan ng ating minamahal na Punong Bayan na  ang kanyang pangakong “Serbisyong Tapat at Progresibong Pamumuno”, na nakatuon sa pagbibigay ng ligtas na kinabukasan para sa bawat Agoncillian.

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments