ISANG HAKBANG PARA SA MAS MAGANDANG AGONCILLO: PAGSASAGAWA NG ADYENDA NG SANGAY EHEKUTIBO AT LEHISLATIBO O ELA 2025–2028 🇵ðŸ‡✨
Sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, katuwang ang ating masigasig na Pangalawang Punong Bayan na si Atty. Remjelljan Humarang, mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng bawat departamento ng Lokal na Pamahalaan, kinatawan mula sa BFP, PNP at mga CSOs, matagumpay na isinasagawa ang pagbuo ng Executive-Legislative Agenda (ELA) 2025–2028 sa Splendindo Tagaytay Hotel, San Gabriel, Laurel, Batangas.
Layunin ng gawaing ito na pagtibayin ang ugnayan at pagtutulungan ng sangay ehekutibo at lehislatibo sa pagsasakatuparan ng mga proyektong magbibigay ng tunay at makabuluhang serbisyo para sa bawat Agoncillians. Ang ELA ay nagsisilbing gabay at direksyon ng pamahalaang bayan sa susunod na tatlong taon upang masiguro ang maayos, episyente, at makataong pamumuno, kaakibat ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
"Individually we may be helpless but together we are powerful"- katagang iniwan ni Mayor Cindy upang bigyang diin na mahalaga sa isang organisasyon ang pagkakaisa at pagtutulungan. Sa kabila ng limitasyon ng bawat isa, nagiging mas makapangyarihan ang grupo kapag nagsasama-sama at nagtutulungan tungo sa iisang layunin.
Lahat ng ito ay ginagawa ng Lokal na Pamahalaan para maipagpatuloy ang matapat nitong paninindigan para sa isang mas maganda, mas progresibo, at mas makataong Agoncillo.
#MagandangAgoncillo
#MagandangSerbisyoPubliko
0 Comments