TINGNAN | Tree planting activity ng Fraternal Order of Eagles CALABARZON (Batangas)





 TINGNAN | Tree planting activity ng Fraternal Order of Eagles CALABARZON (Batangas), isinagawa sa Agoncillo Eco Park. Mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at mga kinatawan ng Girl Scout of the Philippines, nakiisa.

Kanina ay ginanap ang isang makabuluhang Tree Planting Activity sa Agoncillo Eco-Park na matatagpuan sa Brgy. San Jacinto, Agoncillo, Batangas. Pinangunahan ito ng ng Fraternal Order of Eagles Batangas at nilahukan ng mga volunteers mula sa ibang ibang sektor.
Layunin ng programang ito na mas mapagtibay ang kamalayang pangkapaligiran ng bawat isang Agoncillian. Magsisilbi rin itong proteksyon laban sa pagbaha o sa landslide. Maraming puno ang itinanim ng nasabing samahan.
Ayon kay Mr. Antonio Maligaya, MENRO ng ating bayan, ang pagsasagawa ng tree planting activity na ito sa Agoncillo ay may malaking kahalagahan, lalo na sa aspeto ng kalikasan, komunidad, at ekonomiya.

Post a Comment

0 Comments