TINGNAN | Mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan bumisita sa mga binabahang lugar sa ating bayan partikular sa Brgy. Bilibinwang at Banyaga.






 TINGNAN | Mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan bumisita sa mga binabahang lugar sa ating bayan partikular sa Brgy. Bilibinwang at Banyaga.

Upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan ngayong mayroong pabugsu-bugsong ulan, minabuti ng mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating MDRRMO na bisitahin ang mga kababayan natin sa Brgy. Bilibinwang at Banyaga. Nagbigay din sila ng abiso at paalala sa kanila kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pagbaha.
Sa kanilang pag-iikot, inilapit din ng ating mga Evacuees na nagkaroon ng butas ang ilang yero ng kanilang tinitigilan na naging dahilan ng pagtulo ng mga ito.
Nagtutulungan naman ang mga kababayan natin sa Evacuation Sites na makumpuni ang mga nasabing sira. Gayundin ay isinaayos nila ang mga signages sa mga lugar na delikado para sa ating mga motorista.
Samantala, isang bahay sa Barangay Banyaga ang nasira ang Electric Meter o Kuntador matapos tamaan ng Kidlat. Wala namang naitalang nasaktan sa nasabing pangyayari.

Post a Comment

0 Comments