TINGNAN | Mayor Reyes, bumisita sa mga lugar na maaaring daanan ng baha kung sakaling magkaroon ng malakas pag-ulan, PDRA isasagawa bukas ng umaga...






TINGNAN | Mayor Reyes, bumisita sa mga lugar na maaaring daanan ng baha kung sakaling magkaroon ng malakas pag-ulan, PDRA isasagawa bukas ng umaga bilang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan.
Pinangunahan ni MDRRMO Head, Sir Junfrance De Villa kasama ang ating Information Officer, Sir Christian Dave Luya at mga kawani ng MDRRMO ang pagbisita sa mga lugar na may posibilidad na muling bahain kung magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa mga barangay ng Adia, Subic Ibaba, Subic Ilaya, Bilibinwang at Banyaga.
Kasama niya ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes na nagpapaalala din sa ating mga kababayan na ugaliin ang pag-iingat lalo na't naglabas ng ulat o Thunderstorm Advisory ang PAG-ASA. Minabuti nilang bisitahin ang mga lugar na nangangailangan pa din ng rehabilitasyon mula sa ahensya ng DPWH. Personal din niyang kinausap ang mga kababayan nating malapit ang bahay sa mga damaged roads at infrastractures. Nakadaupang palad din niya ang mga kababayan nating evacuees na namamalagi sa kanilang pansamantalang tigilan.
Bukas ng umaga ay isasagawa ang PDRA ng Lokal na Pamahalaan o Pre-Disaster Risk Assessment upang maaral ng mga kasapi nito ang mga dapat isagawa at mga hakbang na makakatulong sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng sakuna.
Pinapaalalahanan po ang lahat na mag-ingat lalo na't gabi. I-charge ang mga telepono at flashlight. Ihanda rin natin ang ating mga Go Bags kung sakaling kailanganin ng lokal na pamahalaan ang magpalikas. Maging handa at alerto, mga kababayan!

Post a Comment

0 Comments