TINGNAN | Pinangunahan ni Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D., Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Lipa ang Pagtatanggap at Pagtatalaga sa ating Simbahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at sa bagong Kura Paroko nito na si Rev. Fr. Jay Encarnacion kaninang umaga.
Isang magandang biyaya ito para sa bawat isang Agoncillian at sa simbahang katolika. Ayon kay Archbishop Gilbert, ang pagdiriwang na ito ay ang una niyang pagmimisa matapos niyang makadaupang palad ang bagong Santo Papa, Pope Leo XIV.
Ayon sa kanya, dito niya unang ibinahagi ang mensahe ng Santo Papa noong magkausap sila sa Roma na nagbigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.
Patuloy nating pagtibayin ang ating pananampalataya, ayain natin ang ating mga kakilala na muli ay magsimba sa ating Parokya.
Patuloy nawang sumaatin ang pagpapala at proteksyon ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.



0 Comments