AGONCILLIAN, BUMIDA BILANG KAUNA-UNAHANG PINOY NA NAKAKUHA NG PINAKAMATAAS NA KARANGALAN SA AMERICAN COLLEGE OF GREECE



 AGONCILLIAN, BUMIDA BILANG KAUNA-UNAHANG PINOY NA NAKAKUHA NG PINAKAMATAAS NA KARANGALAN SA AMERICAN COLLEGE OF GREECE

🇵🇭✨
Kinilala si Bb. Rochelle Bana Matienzo Tolentino mula Brgy. Pansipit, anak nina G. Ronnie Tolentino at Gng. Brenda Matienzo-Tolentino bilang kauna-unahang Pinoy na nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa American College of Greece sa kursong Bachelor of Science (Hons) in Psychology.
Si Bana, ay tinanghal bilang Summa Cum Laude ng Class of 2025 sa nasabing Paaralan. Pagbati naman ang nais ipaabot ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Daniel D. Reyes, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani kay Rochelle Bana Tolentino at sa kanyang buong Pamilya!
Congratulations Bana!
Isa kang ehemplo para sa mga kabataan ng ating bayan. Tunay na pinatunayan mo sa buong mundo ang husay ng isang Kabataang Agoncillian !

Post a Comment

0 Comments