TINGNAN | Mga manlalaro na lumahok sa libreng Volleyball Clinic ng Lokal na Pamahalaan, aktibong nakiisa kahapon sa unang araw ng pagsasanay.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga bata ng dagdag kaalaman at skills pagdating sa larong Volleyball. Samantala malapit na ding magsimula ang Libreng Basketball Clinic na inaabangan din ng ating mga kabataan.
Ayon kay Ms. Cha, sa ganitong paraan ay nakakapagsanay tayo ng mga susunod na manlalarong maghahatid ng malalaking karangalan sa ating bayan. Nagpapasalamat sya sa mga kasama niya sa programang ito lalo't higit sa mga trainers na pinamumunuan ni Sir Ed Holgado, isang mahusay na tagapagsanay mula sa Brgy. Coral na Munti.
Good luck mga Balibolistang Agoncillian!



0 Comments