TINGNAN | Mga kabataang lumahok sa libreng Basketball and Volleyball Clinic ng ating Lokal na Pamahalaan, nagsipagtapos na.






 TINGNAN | Mga kabataang lumahok sa libreng Basketball and Volleyball Clinic ng ating Lokal na Pamahalaan, nagsipagtapos na.

Kanina ay isinagawa ang pagtatapos ng Free Basketball and Volleyball Clinic ng ating lokal na pamahalaan sa Plaza Elena Covered Court. Pinangunahan ito ng ating Municipal Tourism Officer Ma'am Charlyn C. Dela Luna.
"Masaya po kami sa pagkakataon na ito, habang bakasyon po nagkaroon kami ng training para sa favorite sports namin. Isa pa po ay nakabuo po kami ng friendship at nagkaroon ng iba't ibang kakilala sa bawat barangay dito sa ating bayan. Sana po ay maulit palagi ang programa ninyong ito". Ito ang mga nasabi ni Czander Aedan Astoveza, isa sa mga kalahok.
Congratulations!

Post a Comment

0 Comments