Peace Summit 2025 kung saan gaganapin ang Peace Commitment Signing ng mga tumakbong kandidato noong Halalan 2025.





 TINGNAN | Kasalukuyang isinasagawa sa ating G. Brotonel Events Center ang Peace Summit 2025 kung saan gaganapin ang Peace Commitment Signing ng mga tumakbong kandidato noong Halalan 2025.

Pinangunahan ng PNP-Agoncillo katuwang ang DILG at COMELEC ang pagtitipon para sa kapayapaan ng mga tumakbong kandidato noong Halalan 2025. Dumalo sa nasabing Peace Commitment Signing ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ang kanyang mga kasama sa partidong Better Together at si Former Vice Mayor, Danny Anuran kasama ang mga kinatawan ng Partido Daan Natin.
Ayon sa PNP, isang mapayapang eleksyon na naman ang naganap sa ating Bayan. Isa itong patunay na ang mga mamamayan ng Agoncillo ay isinasabuhay ang pagkakaisa para sa Mas Magandang Agoncillo.
Matapos ang Peace Commitment Signing ay isinagawa ang pagsisindi ng Kandila ng Kapayapaan at ang sama sama nilang pag awit ng Pilipinas Kong Mahal.

Post a Comment

0 Comments